Iwas-dengue Tips for Kids | RiteMED

Iwas-dengue Tips for Kids

April 6, 2018

Iwas-dengue Tips for Kids

Usong uso ang dengue dito sa Pilipinas. Ang dengue ay isang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok. Ang dengue fever ay nakukuha mula sa apat na iba't ibang klaseng lamok. Karaniwang nagkakaroon ng dengue sa mga tropical na bansa.  Kada taon, halos 400 milyong tao ang nadadapuan ng dengue virus. Mula dito, mga 100 milyon ang nagkakasakit lalo na sa Southeast Asia.

Para sa kaalaman ng mga mommies, ito ang ilan sa mga sintomas ng dengue:

  • Matagal na lagnat (3-7 araw)
  • Pananakit ng ulo at mata
  • Pananakit ng muscles at joints
  • Kawalan ng gana kumain
  • Pagsusuka at diarrhea
  • Rashes sa balat
  • Pagdudugo mula sa ilong o kaya sa gilagid

Kapag nakakita ng mga ganitong sintomas, magpatingin kaagad sa doktor upang masuri at maagapan pa ang pagkakasakit.

Mga mommies, huwag na nating hintayin na magkaroon pa ng dengue ang inyong mga anak. Ngayon palang, gumawa na ng paraan upang makaiwas sa dengue at sa kagat ng lamok ang mga kids. Heto ang ilang tips para makaiwas sa dengue ang mga bata:

undefined

  1. Makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan

Hanapin ang mga patay na ilog, maduming balde, mga pool, at iba pang lalagyan ng tubig sa komunidad na maaring pamahayan ng mga lamok. Sa maduduming tubig nangingitlog at nagpaparami ang mga lamok. Tandaan ding kadalasang nangangagat ang mga lamok na nagdadala ng dengue tuwing umaga.

  1. Gumamit ng Insect Repellent

Gumamit ng mga insect repellent na safe at effective tulad ng RiteMED Denguetrol para sa mga kids. Huwag gumamit ng repellent sa mga sanggol na hindi pa 2 buwan. Siguraduhing hindi mapanganib sa balat ang mga chemicals na nasa insect repellent - maaring ito ay spray o di kaya lotion.

  1. Ugaliing gumamit ng kulambo kapag matutulog ang mga bata lalo na sa gabi.

Malimit lumabas sa gabi ang mga lamok at mangangagat habang tulog ang mga bata. Siguraduhing mahimbing ang tulog ng kids sa pamamagitan ng paggamit ng kulambo upang protektahan sila mula sa lamok.

  1. Huwag hayaag mangitlog ang mga lamok sa sariling bahay

Bawat linggo, itapon o kaya linisin ang lahat ng bagay na naglalaman ng tubig katulad ng mga palanggana, gulong, laruan, paso, at basurahan. Ang mga lamok ay mangingitlog din sa mga lugar na may maruming tubig.

Mahalagang magsimula ang mga hakbang upang makaiwas sa dengue mula palang sa sariling tahanan hanggang sa magkaroon ng pagtutulungan sa komunidad. Aktibong nagpapatupad ang mga lokal na pamahalaan at ang Department of Health (DOH) ng mga hakbang upang maka-iwas sa dengue.

 

Source:

https://www.cdc.gov/features/avoid-dengue/index.html

http://www.santaritapampanga.gov.ph/iwas-dengue-2014/

http://www.doh.gov.ph/Health-Advisory/Dengue

http://kalusugan.ph/paano-maka-iwas-sa-dengue-fever/

http://news.abs-cbn.com/news/06/08/17/mga-hakbang-kontra-dengue-sa-mga-paaralan-nais-paigtingin-ng-doh-deped



What do you think of this article?