Ilang Beses Ba Dapat Magsipilyo sa Isang Araw? (At Iba Pang Payo sa Pangangalaga ng Ngipin) | RiteMED

Ilang Beses Ba Dapat Magsipilyo sa Isang Araw? (At Iba Pang Payo sa Pangangalaga ng Ngipin)

April 28, 2022

Ilang Beses Ba Dapat Magsipilyo sa Isang Araw? (At Iba Pang Payo sa Pangangalaga ng Ngipin)

Ang pagsisipilyo ay isang simpleng parte ng ating araw-araw na buhay. Sa sobrang nakasanayan nito ay maaaring kung ano ang naituro sa atin noong bata tayo ay dala-dala natin hanggang sa ating pagtanda. Bilang ito ay isang habit na nabubuo natin, mainam na alam natin ang mga pinaka maganda at mabuting technique , pati ang mga kailangan iwasan kapag nagsisipilyo.

 

Ilang Beses ba Dapat Nagsisipilyo sa Isang Araw?

 

Ayon sa American Dental Association (ADA), sapat na ang dalawang beses, sa tagal na dalawang minuto, gamit ang soft - bristled toothbrush. Makikita ito sa lalagyan mismo ng bibilhin na toothbrush. Mainam rin na magfloss ng ngipin upang matanggal ang mga plaque o pagkain na sumisingit sa gitna ng ating mga ngipin.

 

Paano ba Dapat Nagsisipilyo ng Ngipin?

 

Ayon muli sa ADA, dapat i-sandal ang iyong toothbrush sa iyong gums o gilagid sa 45 degree angle, at galawin ang toothbrush back - and forth ng paunti-unti. Kailangan itong ianggulo ng 45 degrees upang masinop ang gumline, o ang maliit na millimiter ng gum tissue lugar kung saan lumalabas ang ngipin natin, dahil dito maaaring maipon ang bacteria. Mas maigi na ang pagsisipilyo ay paikot, na kasinlapad ng isang ngipin kada galaw, kaysa pakaliwa’t kanan.

 

Huwag kalimutan na linisin din ang loob ng ngipin. Para rito, maaari mong itayo ang sipilyo at dahan-dahan daanan ang bawat ngipin, taas baba, para sa kada ngipin.

 

Sa madaling salita, dapat lahat ng parte ng isang ngipin na kayang abutin ng sipilyo ay madaanan - loob, labas, at ang mga parte na nagkakagatan.

 

Ano Pang mga Iba Kong Ginagawa sa Pagsisipilyo na Maari Ko pang Baguhin?

 

Hindi dapat nagmumumog pagkatapos magsipilyo. Binabawasan o tinatanggal ng tubig ang fluoride na galing sa toothpaste. Ang fluoride ay element ng ilang toothpaste na nakatutulong sa hindi pagkasira ng ating ngipin. Idura lamang ang toothpaste at huwag na magmumog. Spit, don’t rinse.

 

Importante rin maintindihan na ang pagsisipilyo ay hindi dapat madiin. Maaari itong magdulot ng gum recession, kung saan ang gums ay unti-unting nawawala o kumokonti, at sa paglipas ng mga taon ay ma - e - expose ang root dahil sa trauma na dulot ng madiin na pagsisipilyo.Magandang paalalahanan ang sarili na sinusubukan lamang “masahiin” ang iyong mga ngipin gamit ang toothbrush, at hindi gamitin ang toothbrush bilang scrub. 

 

Iwasan rin na magsipilyo kaagad pagkatapos kumain ng acidic na pagkain o inumin tulad ng citrus fruit, dried fruit, mga pandesal, maasim na kendi, alak, softdrinks, fruit juice at iba pa. Ang pagkain ng acidic na pagkain ay magpapahina sa enamel, ang matigas na takip o covering ng ngipin.

 

Mga  Dapat Tandaan Para sa Oral Care

 

Tulad nang nabanggit sa taas, importante na hindi magmadali sa pagsisipilyo. Bigyan ng at least 2 minuto ang pagsisipilyo. Maaaring gumamit ng timer kung kailangan, o sumabay sa isang paborito mong kanta.

Magsipilyo araw-araw,  at dahan-dahan.

 

Palitan ang iyong toothbrush kada 3 - 4 na buwan, o kung pansin mo na ang kanyang mga buhok o bristle ay nakakalat na at hindi na nakaayos sa isang hanay.

 

Huwag kalimutan na gumagamit ng dental floss. Ito ay matrabaho ngunit kapag nakasanayan ay malaking buti ang idudulot sa ating pangkalahatang oral hygiene. Hindi kayang tanggalin ng sipilyo ang lahat ng sumisingit na pagkain o dumi sa pagitan ng ating mga ngipin. Para dito, mas akma gumamit ng dental floss.

Importante rin malaman na ang dental floss ay hindi lamang para magtanggal ng dumi sa pagitan ng ngipin, ngunit para rin matanggal ang plaque na namumuo sa gitna ng ngipin.

 

Huwag itago nang basa ang inyong toothbrush sa maliit na lugar. Maaari itong tubuan nang bacteria. Mas maigi na patuyuin muna ito.

 

Ang dila ay kailangan din sipilyuhin upang hindi rin tubuan ng bacteria.

 

Kapag kumain ng acidic food, maghintay muna ng 30-60 minutes bago kumain ng iba ng pagkain. Maaaring uminom muna rin ng tubig o ngumuya ng chewing gum. Kung hindi maiwasan, isabay ang pagkain nito sa almusal, pananghalian, o panggabi upang maneutralize ang acidity.

 

 

Mga Iba Pang Tips Tungkol sa Pangangalaga Ng Ngipin

 

-Gumamit ng straw. Maiiwasan ang pagka - expose ng iyong ngipin sa mga acidic na bagay kapag umiinom tulad ng softdrinks, tsaa at ilang mga juice.

-Kung ikaw ay naninigarilyo, pagplanuhan na itigil ito. Ang paninigarilyo ay dumaragdag sa posibilidad na magkaroon ng sakit sa gums.

-Huwag kalimutan magpatingin pa rin sa dentista. Maaari itong gawin dalawang beses sa isang taon.

-Uminom ng tubig pagkatapos upang matanggal ang mga ilang epekto ng acidic na pagkain sa ngipin.

-Huwag kumagat ng kuko. Kapag nasanay sa habit na ito, pagdating ng panahon, ang ngipin ay maaaring masira, mag crack, o matanggal.

-Maari rin na magmumog ng fluoride mouthwash, ngunit huwag ito gamitin pagkatapos magsipilyo. Huwag rin kumain o uminom 30 minuto pagkatapos ng fluoride mouthwash.

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/close-woman-having-tooth-problem-673633999

 

Mga Maaaring Mangyari Kung Hindi ka Nagsisipilyo ng Tama

 

  • Pagkakaroon ng cavities, na maaaring mapunta sa impeksyon ng ngipin at sa worst  case scenario ay pagkasira at pangangailangan na matanggal ang ngipin
  • Mabahong hininga. Ang sobrang plaque sa ngipin na hindi natatanggal ay maaaring magdulot ng bad breath.

 

Halaga ng Pagsisipilyo at Pangangalaga sa Ating Ngipin

 

Ang ating ngipin ay isang prominenteng parte ng ating mukha. Maigi na alagaan ito sa pamamagitan ng tamang pagsisipilyo. Mas madali at matipid na magsipilyo ng maigi kumpara sa pagpapaayos ng ngipin kapag sira na ito. Ang isang magandang ngiti ay nakakadagdag sa kumpiyansa o confidence ng isang tao, at hindi ka magkakamali na pagtuunan ito ng maiging pansin.

 

 

References:

 

https://www.healthline.com/health/how-many-times-a-day-should-you-brush-your-teeth#frequency

https://www.webmd.com/oral-health/features/brushing-teeth-mistakes

https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/b/brushing-your-teeth

https://www.colgate.com/en-us/oral-health/brushing-and-flossing/is-brushing-teeth-after-eating-good-for-you

https://www.deervalleydentalcare.com/site/calgary-dentist-blog/2018/10/10/how-long-should-i-wait-after-eating-to-brush#:~:text=If%20you%20have%20consumed%20something,it's%20in%20its%20weakened%20state.

https://richmonddental.net/library/the-effects-of-acidic-food-and-drinks-on-enamel/

https://richmonddental.net/library/the-effects-of-acidic-food-and-drinks-on-enamel/

https://www.nia.nih.gov/health/taking-care-your-teeth-and-mouth

https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/how-to-keep-your-teeth-clean/



What do you think of this article?