Gout Vs Pseudogout: Pareho ba sila? | RiteMED

Gout Vs Pseudogout: Pareho ba sila?

August 18, 2021

Gout Vs Pseudogout: Pareho ba sila?

Ang gout ay isa sa mga kilalang uri ng arthritis. Ngunit alam mo ba na mayroon ding tinatawag na “false gout” o pseudogout?  Tulad ng gout, ang pseudogout ay nagdudulot din ng sakit at pamamaga ng kasukasuan sanhi ng pamumuo ng crystals sa joints.

 

Paano nga ba malalaman kung ang sakit ng kasukasuan ay sintomas ng gout o ito ay isang pseudogout? Alamin ang pagkakaiba at pagkakaparehas ng dalawang uri ng arthritis na ito.

 

What is Gout?

Ang gout ay maaaring magdulot ng biglaang pananakit, paninigas, at pamamaga ng kasukasuan at ng malaking daliri sa paa. Ang pananakit at pamamaga ay maaaring pabalik balik hangga’t hindi nagagamot ang gout.

 

Kadalasang nakakaapekto sa mga lalaki, ang gout ay dulot ng mataas na uric acid sa dugo. Ang pagkakaroon ng mataas na uric acid ay maaaring magdulot ng pamumuo ng crystals sa kasukasuan.

 

Ilan sa mga factors na nakakapagpataas ng iyong risk na magkaroon ng gout ay ang pagiging overweight, madalas na pag inom ng alak, at madalas na pagkain ng isda at karne.

 

 

 

 

 

Gout vs Pseudogout: Mga Sanhi

 

Ang gout ay nakukuha sa pagkakaroon ng mataas na level ng uric acid sa dugo. Ito ay nagdudulot ng pamumuo ng sodium urate crystals sa kasukasuan joints. Ang mataas na uric acid ay maaaring dahil sa mga sumusunod:

  • Gumagawa ang katawan ng masyadong maraming uric acid
  • Mabagal o nahihirapan ang kidneys na alisin ang uric acid sa katawan 
  • Pagkain ng maraming pagkain na mataas sa uric acid tulad ng karne, dried beans, seafoods at alcohol.
  • Pagkakaroon ng mga health conditions tulad ng diabetes, high blood pressure, high cholesterol at, heart disease

 

Ang pseudogout naman ay dulot ng calcium pyrophosphate dihydrate crystals na namuo sa kasukasuan. Hindi alam ang sanhi ng pamumuo ng mga crystals na ito. Ngunit sinasabi ng mga eksperto na maaaring dulot ito ng ibang health condition tulad ng thyroid problems.

 

Gout vs Pseudogout: Mga Sintomas

 

Halos magkapareho ang gout symptoms at pseudogout symptoms. Ang pagkakaiba ng dalawa ay kung saang bahagi ng katawan nararamdaman ang sakit.

 

Sa gout, ang pananakit, pamumula at pamamaga ng kasukasuan ay matatagpuan sa:

  • Daliri
  • Tuhod
  • Bukung-bukong o Ankle
  • Pulso o Wrist

 

Sa pseudogout naman, ang pananakit, pamumula at pamamaga ng kasukasuan ay matatagpuan sa:

  • Balakang
  • Bukung-bukong o Ankle
  • Siko
  • Pulso o Wrist
  • Kamay

 

Pamamaga at pamumula ng apektadong lugar at hindi normal na pagalaw. Sa kabilang banda, ang pseudogout Calcium pyrophosphate deposition disease ay madalas na nagaganap sa balakang, siko, pulso, balikat, at kamay.

 

Ang pseudogout, sapagkat madalas mapagkamalang gout, ay isang klase ng arthritis kung saan nagkakaroon ng crystals sa synovial fluid na umaakto bilang lubricant ng kasukasuan. Ang kondisyon na ito ay humahantong sa pananakit at pamamaga at mas madalas na nararanasan ng mga may edad 60 pataas.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/medical-conceptgout-411200896

 

Pseudogout and Gout Treatment

 

Ang gout ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng pagpapababa ng uric acid level. Maaari kang bigyan ng doktor ng mga gout medicine na nakakatulong mapapaba ng uric acid tulad ng xanthine oxidase inhibitors tulad ng Allopurinol at Colchicine.

 

Samantala, wala namang gamot para sa masyadong maraming pseudogout crystals sa katawan. Maaari lamang magbigay ang doktor ng mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng ibuprofen para tulungan kontrolin ang sakit at pamamaga na dulot ng pseudogout. Ang mga gamot na ito ay maaari ring inumin para sa gout symptoms.

 

 

Alamin kung ang iyong sintomas ay gout o pseudogout. Mahalagang matukoy nang maaga ang tunay mong kondisyon para mabigyan ka ng tamang treatment na makakapagpagaan ng iyong sintomas at makakaiwas sa komplikasyong maaaring idulot ng iyong karamdaman.

 

 

 

Sources:

http://cmc.ph/health-conditions/gout/

https://www.healthline.com/health/pseudogout#:~:text=What%20is%20the%20difference%20between,urate%20(uric%20acid)%20crystals

https://www.healthline.com/health/pseudogout-vs-gout



What do you think of this article?