Gamot sa Makating Lalamunan
December 20, 2018
Lumalamig na naman ang panahon ngayong Disyembre. Sabayan pa ng kabi-kabilang handaan at kainan para ipagdiwang ang kapaskuhan. Nakabantay din ang bawat isa sa kanilang kalusugan, maagap sa pag-inom at pagdadala ng mga gamot na sakaling kakailanganin sa mga salu-salo para lang ma-enjoy nang tuluyan ang mga selebrasyon.
Dahil sa mga factor din na ito, laganap din ang pagkakaroon ng sore throat o ang pananakit ng lalamunan. Iba’t iba ang maaaring maging sanhi nito, at ang pagkilala sa mga posibleng dahilan ang unang hakbang para makaiwas dito.
Ano ang sore throat?
Ang pananakit ng lalamunan ay sintomas lamang na may problema. Kadalasan, ang sore throat ay dala ng impeksyon, o kaya naman ay mga factor na dala ng kapaligiran gaya ng dry air. Mayroon itong tatlong uri base sa parte ng lalamunan na naaapektuhan nito:
- Pharyngitis – Pharynx ang apektado, ang area sa likod ng bibig.
- Tonsilitis – Namamaga at namumula ang tonsils o ang mga soft tissue sa likod ng bibig.
- Laryngitis – Ang voice box o larynx ang namumula at namamaga.
Anu-ano naman ang mga sintomas ng sore throat?
Batay sa naging sanhi ng pananakit ng lalamunan at sa parte nito na apektado, narito ang mga sintomas na maaaring maranasan ng taong may sore throat:
- Pangangati ng lalamunan;
- Pakiramdam na mahapdi, dry, at iritado ang lalamunan;
- Puting mga uri ng maliliit na nana sa tonsils;
- Pagbabara ng ilong;
- Tumutulong sipon;
- Pagbabahing;
- Ubo
- Lagnat;
- Chills;
- Kulani sa leeg;
- Paos na boses; at
- Pananakit ng lalamunan na lumalala kapag lumulunok o nagsasalita.
Para matukoy kung anong klaseng gamot sa makating lalamunan ang dapat inumin, alamin muna natin ang iba’t ibang posibleng sanhi ng sore throat.
Causes of Sore Throat
Photo from Pixabay
- Viruses – Nasa 90% ng pananakit ng lalamunan ay dala ng mga virus na nagdadala ng mga sakit gaya ng sipon, influenza o flu, mononucleosis o impeksyon na napapasa sa pamamagitan ng laway, measles o tigdas, chickenpox o bulutong, at mumps o beke.
- Bacteria – Ang streptococcus bacteria ay isa sa mga pangunahing sanhi ng bacterial sore throat. Sa mga bata, 40% ng mga kaso ng pananakit ng lalamunan ng ay dahil dito. Ang tonsillitis ay nasa ilalim din ng kategoryang ito.
- Mga allergy – Nakakapagdala ng pagbabara ng ilong, pagluluha ng mga mata, pagbahing, at iritasyon sa lalamunan ang allergens o mga nagsasanhi ng allergy gaya ng pollen, kemikal, mga halaman, alikabok, at mga alagang hayop. Sa ibang kaso, allergic rhinitis ang nararanasan kapag nagsama-sama ang mga sintomas na ito dahil sa allergens.
Dahil din dito, ang labis na mucus galing sa ilong ay napupunta sa likod ng lalamunan. Tinatawag itong postnasal drip at ito ay nagsasanhi rin ng sore throat.
- Usok – Ang usok, kasama na ang iba pang mga kemikal nang gaya ng sa sigarilyo at tobacco, ay maaari ring makairita sa lalamunan kapag nalanghap.
- Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) – Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag ang acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus na nagdadala ng pagkain mula sa bibig papuntang stomach. Nagdadala ito ng mainit na pakiramdam sa lalamunan dahil sa sintomas nitong heartburn.
Photo from Unsplash
- Pagkain – May ibang pagkaing napag-alamang nakakapag-trigger ng sakit ng lalamunan gaya na lamang ng seafood at mani, ilan sa mga pagkain na madalas ay allergic ang isang tao. Nakakapanikip ito ng airways at nakakapagpangati ng lalamunan sa ibang kaso.
Nakakaapekto sa pagsasalita maging sa pag-kain ang pagkakaroon ng iritadong tonsils. Para tuloy-tuloy ang selebrasyon ngayong kapaskuhan, tingnan dito kung anu-ano ang mga pwedeng gamot sa sore throat at iba pang paraan para mapaginhawa ito.
- Loratidine/Cetirizine – Ang gamot sa sore throat na ito ay isang antihistamine na nakakatulong ibsan ang allergic rhinitis na may kasamang pagbahing, pangangati ng ilong, at pagluluha ng mga mata. Sakop din nito ang mga skin allergy gaya ng mga kati-kati at rashes.
- Fluids – Bukod sa pag-inom ng gamot sa tonsillitis, napapanatiling moist at swabe ng tubig at iba pang healthy fluids ang lalamunan. Naiingatan din ng mga ito ang katawan laban sa dehydration. Kapag nakakaranas ng pananakit ng lalamunan, hangga’t maaari ay umiwas muna mga inuming may caffeine at alcohol content dahil nakakatuyo ito ng throat.
Maaaring sumubok ng warm liquids gaya ng sabaw, tsaa na caffeine-free, o maligamgam na tubig na may honey para mabawasan ang iritasyon ng sore throat. Nakakatulong din ang pagmumog ng warm water na may asin. Bukod sa ginhawa na dala nito, nakkaatulong ito na patayin ang bacteria o germs na nasa lalamunan. Maglagay lang ng ¼ hanggang ½ tsp. na tablesalt sa apat hanggang walong ounces ng tubig. Huwag itong inumin.
Bukod dito, ipagbigay-alam sa mga kasama sa bahay o trabaho na nakakairita sa lalamunan ang paglanghap ng cigarette smoke at ibang cleaning products para hindi lumala ang sore throat. Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng facial mask.
- Lozenges – And mga therapeutic na hard candy gaya nito ay nakakaginhawa rin ng sore throat. Bilang paalala, huwag itong gamitin para maibsan ang sakit sa lalamunan ng mga bata edad apat pababa dahil maaari silang maging at-risk sa choking.
Bukod sa mga ito, palakasin pa ang immune system sa pamamagitan ng pagkakaroon ng diet na mayaman sa Vitamin C at pagbibigay ng oras para sa sapat at tamang pahinga. Sa ganitong paraan, mapapalakas ang resistensya ng katawan para labanan ang viruses at bacteria na kadalasang nagdadala ng sore throat. Huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor kung pabalik-balik ang pananakit ng lalamunan para makasigurado.
Sources:
https://www.healthline.com/health/sore-throat#home-remedies
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sore-throat/diagnosis-treatment/drc-20351640
https://www.healthline.com/health/allergic-rhinitis#symptoms