Gamot sa Bungang-Araw
May 26, 2021
Ano ang Bungang Araw?
Ang heat rash o prickly heat, na mas kilala sa tawag na bungang araw, ay isang uri ng rash na nagdudulot ng pamumula ng balat na may kasamang mainit-init, “stinging,” o “prickly” sensation. Ang pakiramdam ay karaniwang may kasamang maliliit na pulang tuldok sa affected area. Ang prickly heat rash ay maaari ring magkaroon ng maliit na raised bumps at blisters.
Sino ang Madalas Magkaroon ng Bungang Araw?
Ang bungang araw ay mas karaniwan sa hot, humid tropical climates. Ang isang taong bago sa ganitong kapaligiran ay mas vulnerable sa bungang araw. Ang rash ay maaaring sanhi ng mataas na lagnat, labis na pagpapawis, o pagiging “over-bundled.” Ang mga sanggol ang madalas magkaroon ng ganito dahil na-oover-bundle sila out of concern for heat loss matapos ang panganganak.
Mga Sanhi at “Triggers”
Normally, ang pawis ay naglalakbay sa pamamagitan ng maliliit na sweat ducts na dinadala ito sa ibabaw ng balat. Ayon sa mga eksperto, ang mga duct ay maaaring maging makitid o magbara kapag pawis na pawis ka. Kapag nangyari ito, ang pawis ay mananatili sa ilalim ng balat, na sanhi ng paglitaw ng itchy red bumps.
Ang triggers na nakaalista sa ibaba ay maaaring magdulot ng labis na pagpapawis at bungang araw:
- Mainit at mahalumigmig na panahon (lalo na tuwing summer)
- Mga pisikal na aktibidad
- Mainit o masikip na damit
- Health conditions with fever
- Pagsuot ng benda
- Pagsuot ng bandages
- Medical condition na sanhi ng pagpapawis, tulad ng hyperhidrosis
- Ointments at ibang skincare products na maaaring i-block ang mga duct ng pawis
Signs at Sintomas ng Bungang Araw
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/male-doctor-white-protective-gloves-hold-1482468119
Kung mayroon kang bungang araw, maaaring mong maranasan ang sumusunod na signs at symptoms:
- Tiny pink o red bumps
- Prickly, itchy feeling sa balat
- Mild swelling at redness sa affected area
- Rashes ng small water blisters
- Ang prickly heat rash ay maaaring lumitaw sa kahit saang parte ng katawan, ngunit mas madalas itong makita sa mga lugar na pinagpapawisan, tulad ng kili-kili, sa dibdib at sa ilalim nito, likod, mga "crooks" ng siko, tuhod, at baywang. Sa mga sanggol, ang bungang araw ay karaniwan sa mga skin folds, nappy area, at mukha.
Prickly Heat Treatments and Home Remedies
The best way to address a prickly heat rash is to avoid sweating. Maliban dito, ang ilan pang bungang araw remedy ay ang sumusunod:
- Panatilihing malamig ang balat. Upang palamigin ang iyong balat, maaari kang magsuot ng loose cotton clothing; uminom ng maraming fluids; at gumamit ng lightweight beddings. You may also take cool showers or baths, o di kaya'y mag-stay sa isang air-conditioned room o well-ventilated na kwarto.
- Pakalmahin ang prickly heat rash. Upang magawa ito, balutin ang cold compress sa isang tuwalya at ilagay ito sa balat nang hindi hihigit sa 20 minuto. Maaari ring maglagay ng basang tuwalya sa irritated skin sa loob ng lima hanggang 10 minuto (hayaang mag-air-dry ang balat pagkatapos). Hangga't maaari, huwag mo itong kalmutin at pigilin ang paggamit ng malakas na skin products.
- Use or consume doctor-recommended products. Kung ang iyong bungang araw ay nagdudulot ng discomfort, kumunsulta sa isang doktor at magtanong kung ano ang mga produkto na maaari mong gamitin upang mabawasan ang nararamdaman mong itchiness at ang swelling. Ilan sa mga skin products na madalas irekomenda ng mga espesyalista bilang gamot sa bungang araw ay calamine lotion, low-strength hydrocortisone cream, prickly heat powder, at antihistamine medications tulad ng Ritemed Cetirizine.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/319612#symptoms
https://hellodoctor.com.ph/skin-health/skin-issues/prickly-heat-bungang-araw
https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/p/prickly-heat.html
https://www.skinsight.com/skin-conditions/adult/miliaria-rubra