First Aid Tips Sa Food Poisoning | RiteMED

First Aid Tips Sa Food Poisoning

July 4, 2018

First Aid Tips Sa Food Poisoning

Ang food poisoning o food borne illness ay nangyayari kapag kumain o uminom ng pagkain o inumin na mayroong mga nakakalasong bagay tulad ng virus, bacteria, parasites o toxins. Ang mga ito ay maaaring mapunta sa pagkain. Sa bahay, maaaring maging kontaminado ang mga pagkain kung hindi ito naluto ng tama o hindi nahugasan ng tama. Walang pinipiling edad, kasarian, oras, araw o lugar ang food poisoning. Kahit sino ay maaaring magkaranas nito.

Ang pinaka karaniwang uri ng food poisoning ay ang tinatawag na bacterial food poisoning na dahil sa bacteria gaya ng salmonella. Ang salmonella ay matatagpuan sa mga itlog at manok. May iilang pagkain ding sadyang nakakalason tulad ng tahong na may lason mula sa red tide.

Isa rin sa mga parasite na maaaring magdulot ng kontaminasyon sa pagkain ay ang Entamoeba histolytica. Kapag nakakain ng pagkain na mayroon nito, maaaring magkaroon ng sakit na amoebiasis.

Sintomas ng Food Poisoning

Ang sintomas ng food poisoning ay kadalasang nagsisimula ilang oras pagkatapos kumain o uminom ng kontaminadong pagkain.

Narito ang iilang sintomas:

  • Pagtatae - Kapag nakaranas ng pagtatae, maaaring uminom ng RiteMED Loperamide 
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Stomach cramps o pulikat ng tiyan.
  • Lagnat - Kapag nakaranas ng lagnat, maaaring uminom ng RiteMED Paracetamol 
  • Dehydration

Isa sa mga maaaring i-reseta ng doktor ay ang RiteMED Metronidazole na gamot para sa impeksyon na dulot ng bacteria o parasites. Ilan sa mga impeksyon na ito ay ang impeksyon sa ating gastrointestinal tract tulad na lamang ng amoebiasis.

First Aid sa Food Poisoning

Habang wala pang doktor o wala pa sa hospital, narito ang mga maaaring gawin:

1. I-monitor ang paghinga ng pasyente.

2. Bigyan ng maraming fluids lalo na kung nagtatae para hindi ma-dehydrate ang pasyente. Kung malala ang pagtatae o pagsusuka o di kaya'y lagpas na ng 24 oras, dapat uminom ng oral rehydrating solution. Maaaring gumawa ng oral rehydrating solution sa pamamagitan ng paghalo ng dalawang kutsarita ng asukal at one fourth na kutsarita ng asin sa isang baso ng mainit ng tubig.

3. Piliin ang pagkain ipapakain sa pasyente. Iwasan ang matitigas o mga pagkaing matagal matunaw. Ang mga pagkaing gaya ng lugaw, soup, crackers, tinapay o saging ang ibigay. Iwasan ang mga matataba, maaanghang at mamantikang pagkain.

Kung kakain, maging maingat sa mga sumusunod para makaiwas sa food poisoning:

  • Pagkaing may kakaibang lasa
  • Pagkain na naiwan sa mainit na lugar.
  • May kasamahang nakikitaan ng sintomas ng food poisoning.
  • Pagkaing hilaw o hindi naluto ng mabuti.

Ang food poisoning ay itinuturing na isang medical emergency o isang kaso na nangangailangan ng agarang gamot. Mainam na agad dalhin sa pagamutan ang taong pinaghihinalaang na-food poison.

Tips Para Makaiwas Sa Food Poisoning

1. Siguraduhing tama ang pagkakaluto ng pagkain. Huwag kakain ng hilaw na karne, itlog o manok.

2. Huwag kakain ng panis na pagkain o mga pagkaing nababad sa initan.

3. Panatilihing malinis ang paligid kapag nagluluto o naghahanda ng pagkain. Hugasan ng mainam ang mga gagamitin at mga pagkaing lulutuin.

4. Maghugas ng kamay bago kumain at maghanda ng pagkain.

5. Huwag hayaang nakatiwangwang ang pagkain ng lagpas dalawang oras. Ilagay sa refrigerator.  

6. I-check ang expiration date ng pagkain. Huwag kainin ang mga pagkaing lagpas na sa kanilang expiration date.

undefined

Photo from Healthline

7. Huwag bibili ng mga pagkain nasa jar o can na sira.

Sources:

  • http://www.webmd.com/food-recipes/food-poisoning/food-poisoning-and-safe-food-handling-symptoms
  • http://www.webmd.com/first-aid/food-poisoning-treatment
  • http://www.medindia.net/patients/firstaid-food-poisoning.htm
  • https://web.facebook.com/168959476631905/posts/310763079118210?_rdc=1&_rdr
  • http://www.remate.ph/2011/06/kahalagahan-ng-first-aid/
  • http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-pagkakalason-o-poisoning/

 



What do you think of this article?