Exercises na pwedeng gawin kasama ang kids
July 21, 2021
Bawat indibidwal ay nangangailangan ng regular na exercise upang manatiling malusog at masaya. Gayunpaman, hindi madali para sa mga magulang na magkaroon ng oras para sa physical fitness. Kung hindi nagtatrabaho ay nag aalaga naman ng mga bata. Kung hindi maiwan ang mga bata, bakit hindi na lang isabay ang mga bata sa iyong daily workout?
Hindi lang mga matatanda ang kailangang mag stretch at mag exercise. Importante rin ang regular exercise sa mga bata. Ayon sa Department of Health, ang mga kids aged 5-12 at adolescents aged 13-20 ay dapat magkaroon ng at least 60 minutes physical activity araw-araw.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga exercises na maaari mong gawin kasama ang mga kids.
Play Exercise
Mahirap ayain ang mga bata na mag-exercise kung hindi sila nag-eenjoy. Kaya gawing fun ang exercise sa pamamagitan ng pagsingit ng iba’t-ibang games. Maari ring magpatugtog ng paborito nilang mga kanta habang nageexercise. Ang habulan, tumbang preso, patintero o tagu-taguan ay masayang paraan ng exercise para sa mga bata.
Dance Workout
Isa ang dance workout sa mga pinakamadaling gawing exercise kasama ang mga bata. Maaliw sila gumalaw kasabay ang mga upbeat music. Humanap ng mga online videos ng dance workout na pwede niyong sundan bilang pamilya. Ang free flow dancing din ay isang magandang form of exercise. Kung hilig ng anak mong sumayaw, hayaan siyang mag imbento ng dance steps na maaari mong gayahin.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/full-length-overjoyed-family-four-jumping-1714474864
Yoga
Uso na ngayon ang Yoga for Kids. Isabay ang iyong anak sa iyong Yoga and Meditation session. Makatutulong ito na maimprove ang breathing, posture at balance. Ito ay hindi lamang nakatutulong sa physical fitness kundi pati na rin sa mental wellness ng buong pamilya.
Chores Exercise
Gawing exercise maging ang mga simpleng gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan, paglinis ng kotse o paglilinis ng bakuran. Magpatugtog lang ng paboritong mga kanta para mas maging masaya ang chores exercise.
Online Family Workout Videos
Mayroon ding mga videos online ng mga family exercises na pwedeng sabayan. Mula sa stretching hanggang sa mga cardio workout, pumili ng mga program na kayang kayang sabayan ng mga bata.
Bukod sa regular na pag-eehersisyo, importante rin ang tamang pagkain, sapat na tulog at pag inom ng tubig para panatilihing healthy ang bawat miyembro ng pamilya. Makatutulong din ang regular na pag-inom ng vitamin supplement para sa dagdag na lakas, gana sa pagkain at proteksyon laban sa sakit. Bigyan ang iyong anak ng RiteMed Ascorbic Acid upang tulungan sila na maging aktibo at malakas ang pangangatawan.
Sa kabila ng busy schedule, bigyan ng oras ang regular na exercise kasama ang mga bata. Ito ay magandang family bonding na makakatulong sa protekta ng inyong kalusugan.
Sources
https://www.nytimes.com/wirecutter/blog/best-kids-exercise-videos/
https://www.verywellfamily.com/ways-to-exercise-with-children-1257117
https://doh.gov.ph/sites/default/files/publications/HBEAT58a.pdf