Chronic Series: Healthy Living Tips para sa May High Blood | RiteMED

Chronic Series: Healthy Living Tips para sa May High Blood

January 9, 2017

Chronic Series: Healthy Living Tips para sa May High Blood

Mapanganib ang hypertension o high blood kapag hinayaan lamang ito magpatuloy. Ang labis na taas ng blood pressure ay maaaring magdala ng pinsala sa iyong puso at blood vessels o mga daluyan ng dugo. Upang makaiwas sa peligro, dapat kumain ng mga wastong pagkain para sa may hypertension, bumuo ng rehimen ng pag-eehersisyo, at uminom ng gamot kapag kinakailangan.

 

Kadalasan ay hindi nararamdaman ang mga sintomas ng hypertension hanggang sa nakapagdala na ito ng pinsala sa iyong katawan. Dapat ay laging maging alerto sa iyong blood pressure upang makita kung nakakabuti ba talaga sa iyo ang uri ng iyong pamumuhay. Narito ang ilang healthy living tips.

 

 

Pagkain para sa may hypertension

 

Karamihan sa mga paboritong pagkain nating mga Pinoy ay mayaman sa asin. Sa kasamaang palad, ang madalas na konsumo ng asin ay nagpapataas ng blood pressure. Imbis na kumain ng maaalat na pagkain, bumuo na lamang ng healthy diet sa sumusunod:

 

·         Gulay

·         Prutas

·         Boiled o steamed na manok

·         Seafood

·         Nuts

·         Isda

·         Whole-grain na tinapay

·         Oatmeal

 

Bukod dito, limitahan din ang konsumo sa matataba at matataas sa calories na pagkain. Nakakapagpataas ito ng cholesterol, na nagdudulot ng mga sakit sa puso, at sanhi ang mga ito ng pagiging overweight, na sanhi ng hypertension. Eat healthy para kusang bumaba ang blood pressure.

 

undefined

Exercise para sa may hypertension

 

Ang madalas na pag-eehersisyo ay nakakapagpababa ng blood pressure, tumutulong sa pag-iwas sa depression at sari-saring karamdaman, at pinapalakas ang iyong katawan at immune system. Sa madaling salita, mainam kung sasabayan mo ng ehersisyo ang mga pagkain para sa may hypertension.

 

Dapat ay sumabak sa mga aerobic exercise nang hindi bababa sa 150 minutes kada linggo. Kung mabigat na aerobic exercises ang gagawin, mainam ang 75 minutes kada linggo. Ilaan ang dalawang araw para sa mga ehersisyo na nagpapalakas ng muscles.

 

Regular na check-up

 

Importante ang regular na check-up kapag ikaw ay may hypertension dahil makikita ng doktor kung bumababa ang presyon ng iyong dugo. Gamit ang blood pressure monitoring, kanya ring makikita kung epektibo ang iyong mga hakbang upang mapabuti ang iyong kondisyon. May mga tao na likas na mataas ang blood pressure, at kinakailangan nila ng gamot na irereseta ng doktor.

 

Kung kaya ng iyong budget ang pagbili ng sphygmomanometer o ang mekanismo na sumusuri ng iyong blood pressure, bumili nito upang masilip malaman mo ang presyon ng iyong dugo nang kahit kailan.

 

Umiwas sa paninigarilyo

 

Ang patuloy na paninigarilyo ay nagdadalang-nakakapinsala pinsala sa puso, blood vessels, at baga, na lubhang mapanganib para sa mga high blood. Bukod dito, nagdudulot din ito ng lung cancer, stroke, at marami pang nakamamatay na sakit. Sa halip na manigarilyo, maging mas aktibo na lamang sa mga pang-araw-araw na gawain.

 

Huwag kalimutan uminom ng gamot

 

Ang mga taong likas na mataas ang blood pressure ay kadalasang nakakaranas ng hirap sa pagpapababa ng presyon ng dugo. Para sa ganitong kondisyon, kinakailangan ang pag-inom ng gamot na inirereseta ng doktor  tulad na lamang ng RiteMED Atorvastatin. Nakakatulong ito sa pagpapababa ng cholesterol na kadalasang sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo. Makakabili nito sa lahat ng drugstores nationwide.

 

undefined

 

 

undefined

 

Labanan ang stress

 

Ang stress ay nakakapagpasama ng kondisyon ng may hypertension kaya dapat itong malabanan. Tuwing nakakaramdam ng pagbuo ng mabigat na emosyon, lumayo muna sa sanhi nito at huminga nang malalim. Mag-meditation o ipikit ang mata at isipin ang mga masasayang bagay upang hindi ka malunod sa stress. Maaari ring mag-enroll sa yoga class, tai chi, at Zumba.

 

Kayang labanan ang hypertension kapag ikaw ay mag-healthy living. Hindi man madali ang mga pagbabago sa simula, makakaiwas ka naman sa mga malulubhang sakit na dala ng high blood. Kung mahal ang gamot na ireseta, may murang gamot sa mga drug store. Tandaan na mas masaya ang buhay nang walang iniintinding karamdaman.

 

Sources:

 

·         http://www.nhs.uk/conditions/blood-pressure-(high)/pages/introduction.aspx

·         http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/basics/symptoms/con-20019580

·         http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/basics/lifestyle-home-remedies/con-20019580

·         https://www.cdc.gov/salt/

·         http://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/guide/hypertension-frequently-asked-questions#1

·         http://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/tc/high-blood-pressure-hypertension-living-with-high-blood-pressure#1





 



What do you think of this article?