Benefits ng Vitamin C at Zinc sa mga Bata | RiteMED

Benefits ng Vitamin C at Zinc sa mga Bata

August 28, 2017

Benefits ng Vitamin C at Zinc sa mga Bata

Ang mga bata ay nasa stage pa ng growth, kung kaya’t kinakailangan nila ng mga vitamins na maaaring makatulong sa kanilang development. Ang Vitamin C at Zinc ay mga mainam na gamot para sa mga bata dahil ito ay nakakapalakas ng resistensya at nakakatulong sa kanilang pangkabuohang paglaki. Kaya importante na malaman kung ano ito, mga benefits nito at kung saan ito maaaring makuha.

 

Vitamin C

Ang Vitamin C o ascorbic acid ay isang antioxidant na nakakatulong sa pagpalakas ng immune system, pag-produce ng protein collagen at pag-absorb ng iron.

 

Mga Benefits ng Vitamin C

  1. Antioxidant

Ang Vitamin C ay isang antioxidant na prinoprotektahan ang katawan ng mga bata laban sa free radicals. Ang free radicals ay maaaring nabubuo galing sa ating katawan o exposure mula sa mga nakakasamang substances na dulot ng pollution.

 

 

  1. Pampalakas ng Immune System

Ang Vitamin C ay kinakailangan ng ating katawan para mapalakas nito ang ating immune system. Tinutulungan nito maintenance ng ating immune responses na siyang lumalaban sa mga sakit tulad ubo at sipon.

 

  1. Collagen at Pampabilis sa Paggaling ng Sugat

Kinakailangan ng ating katawan ang Vitamin C upang mapalakas ang collagen sa ating bones, cartilage, muscles at dugo. Ang Vitamin C din ay nakakatulong sa paggaling ng minor wounds at pinapalakas nito ang ngipin at gums ng mga bata.

 

  1. Iron Absorption

Ang Vitamin C ay maaaring makakatulong sa pag-absorb ng iron sa katawan. Importante ang iron dahil kinakailangan ito para sa rapid growth ng bata.

 

Mga Sources ng Vitamin C

undefined

Ito ang ilan sa mga source ng Vitamin C na maaaring mahanap sa bahay:

  • Guava

  • Lemon

  • Calamansi

  • Orange

  • Papaya

  • Strawberries

  • Mango

  • Potato

  • Banana

 

Zinc

Ang Zinc ay isang mineral na importante sa katawan ng mga bata dahil sa iba’t ibang benepisyo nito. Ito ay nagpapalakas ng immune system, nakakatulong sa paggaling ng mga sugat at nagsisilbing support sa growth ng mga bata.

 

  1. Pampalakas ng Immune System

Ang Zinc ay nakakatulong sa pagpalakas ng immune system, kung kaya’t ginagamit na ito upang maka-iwas sa mga sakit na common sa mga bata tulad ng ubo at sipon.

 

  1. Tulong sa Paggaling ng Sugat

Ang Zinc ay nakakatulong upang gamutin ang mga infection at pagalingin ang mga minor na sugat. Mayroon din mga Zinc ointments na maaaring gamitin para sa diaper rash at iba pang skin irritation. Dahil ang mga bata ay madalas magkaroon ng mga ito, importante na nakakakuha sila ng sapat na Zinc mula sa pagkain, inumin o gamot.

 

  1. Suporta sa Paglaki

Dahil ang mga bata ay nasa developing stage pa, importante na sila ay makakuha ng sapat na Zinc dahil nakakatulong ito sa kanilang overall development.

 

Mga Sources ng Zinc

undefined

Ito ang ilan sa mga source ng Zinc na maaaring mahanap sa bahay:

  • Beef

  • Seafood (Oyster)

  • Chicken

  • Pork

  • Mushrooms

  • Cashews

  • Beans

  • Cocoa o Chocolate

 

 

Sources:



What do you think of this article?