Bakit Nga Ba Mahalaga ang Pag-inom ng Tubig?
July 21, 2021
Dahil sa mainit na panahon at patuloy na pagtaas ng temperatura sa ating bansa, importante ang regular na pag-inom ng tubig upang mapanatiling malusog at aktibo ang ating mga katawan.
Sa totoo lang, karamihan sa ating mga Pilipino ay mahilig uminom ng softdrinks, fresh at powdered juices, alcoholic drinks, at iba pang matatamis at malalamig na inumin, lalo na kapag summer. Ang kaso nga lang, may ilan sa atin na ayaw sa tubig, sa kadahilanang ito'y walang lasa, hindi masarap, nakakaumay, at kung anu-ano pang negatibong komento.
Ang hindi nila alam, malaking porsyento ng ating katawan ay binubuo ng tubig. Ibig sabihin, napakahalaga ng pag-inom ng sapat na tubig araw-araw upang mapanatili nating malusog at malakas ang ating katawan.
Ang paalalang uminom ng walong baso ng drinking water araw-araw ay may basehan at may magandang maidudulot sa ating kalusugan. Ilan sa mga benepisyo ng sapat na pag-inom ng tubig ay ang mga sumusunod:
Seven Benefits of Drinking Water
- Pagpapaganda ng kutis ng balat
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/cute-asian-little-child-girl-drinking-646055602
Drinking water benefits our skin. Ang balat ang pangunahing depensa ng katawan sa lahat ng bagay na maaaring makasama sa ating kalusugan, kaya’t mahalaga rin na mapanatili ang kalusugan nito. Sa tulong ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig, napapanatili nating malusog ang ating balat. Maiiwasan din ang pangungulubot (wrinkling) ng balat at maging ang panunuyo (drying) nito.
- Pagpapanatili ng mga likido sa katawan
Maraming bodily functions ang nangangailangan ng tubig, ilan na dito ang food digestion, nutrient absorption, blood circulation, at maging sa pagpapanatili ng body temperature. Kung tutuusin, 60% ng ating katawan ay binubuo ng tubig. Ang tubig na iniinom ay regular ding nailalabas sa pamamagitan ng paghinga, pag-ihi, at pagpapawis. Kung kaya, dapat ay mapalitan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig.
- Pagkontrol ng calories sa katawan
Ang pag-inom ng tubig ay nakatutulong din sa pagkontrol ng calories sa katawan. Matagal nang strategy ng mga nagnanais na pumayat ang madalas na pag-inom ng tubig upang makaiwas sa karagdagang calories na maaaring makuha sa mga pagkain mabilis silang nabubusog. Bukod pa rito, ang tubig mismo ay walang calories, hindi tulad ng mga juice at softdrinks.
- Karagdagang lakas sa mga kalamnan
Malaki rin ang papel ng tubig sa pagpapanatili ng maayos na paggana ng ating mga kalamnan o muscles. Kinakailangan ang balanse ng tubig at electrolytes sa mga muscle cells upang mas tumagal ang mga ito sa pagtatrabaho. Kung magkukulang sa tubig, ang mga muscle cells ay mas mabilis na mapapagod. Ang pag-inom ng tubig ay lalong mahalaga sapagkat tuloy-tuloy ang pagkawala ng tubig sa katawan kapag nagpapawis sa pagkilos.
- Pagsasaayos ng pag gana ng mga kidneys
Isa sa mahahalagang papel ng ating mga kidney ay ang pagsasala nito sa mga likido sa ating katawan, at malaki ang ginagampanan ng tubig sa prosesong ito. Ang mga substances na hindi na kailangan ng katawan, na tinatawag na waste products, ay sumasama sa sirkulasyon ng dugo na sinasala ng ating kidneys. Ang mga nasalang substances naman ay mailalabas sa katawan sa pamamagitan ng ihi.
- Para makaiwas sa urinary tract infection (UTI)
Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong na palabnawin ang ihi, at tinitiyak na mas madalas tayong umihi - na dahilan kung bakit natatanggal sa ating urinary tract ang mga bakterya upang maiwasan ang impeksyon. (Kung ikaw ay diagnosed na with UTI, uminom ng RM Amoxicillin. Mabisa itong gamot laban sa infections na dulot ng susceptible microorganisms)
- Pagpapalambot ng pagdumi
Kailangan din ng tubig sa pagpapabuti ng paglabas ng dumi sa ating katawan. Kailangan natin ng tubig upang maiwasan ang pagtigas ng dumi na nagreresulta sa constipation.
Sa pamamagitan ng pag-inom ng minimum na rekomendasyon ng tubig, tinutulungan mo ang iyong katawan na gumana nang mas mahusay at mapabuti ang iyong pangkalahatang kalusugan. Tandaan ang mga health tips na ito upang hindi ka magkasakit at mapanatili mo ang isang malusog na pangangatawan.
Sources: