Bakit mahalaga ang immune system kapag may pandemic at sa new normal | RiteMED

Bakit mahalaga ang immune system kapag may pandemic at sa new normal

July 21, 2021

Bakit mahalaga ang immune system kapag may pandemic at sa new normal

Sa kabila ng pandemic, ang mga tao ay unti-unting nag-aadjust sa new normal. Dahil kailangang magpatuloy sa trabaho, pag-aaral at iba pang mahalagang aspeto ng buhay, gumagawa ng paraan ang mga tao na mag ingat laban sa sakit habang nagpapatuloy sa kanya-kanyang gawain. Ilan sa mga ito ay ang pagsunod sa mga safety guidelines, pagpapabakuna laban sa Covid at pag inom ng vitamins tulad ng ascorbic acid at sodium ascorbate.

 

Bukod sa mga safety measures na ito, ang mabisang panlaban ng mga tao sa Covid at iba pang sakit ay ang pagkakaroon ng malakas na immune system. Importante ito lalo na para sa mga bata na hindi pa mabibigyan ng bakuna laban sa Covid.

 

Gaano nga ba kahalaga ang matibay na immune system sa panahon ng new normal?

 

 

Ano ang immune system?

 

Ang immune system ang nagsisilbing proteksyon ng katawan laban sa mga bacteria, virus, fungi, at toxins. Ito ay binubuo ng iba’t ibang cells, tissues, at organs sa loob ng katawan.

 

May tatlong klase ng immune system. Ang una ay ang innate immune system. Ito ang immune system na mayroon ang isang tao simula ipinanganak siya. Ang pangalawa naman ay ang adaptive immune system. Ito naman ay na-dedevelop ng katawan tuwing ito ay naeexpose sa iba’t ibang mikrobyo at kemikal na nilalabas ng mga mikrobyo.  Mayroon ding tinatawag na passive immunity na hinihiram mula sa isang source para magbigay ng panandaliang immunity. Halimbawa nito ay ang temporary immunity na nakukuha ng sanggol mula sa breast milk ng ina.

 

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/little-girl-sick-blowing-her-nose-579213370

 

 

Paano pinoprotektahan ng immune system ang katawan?

 

Ang malakas na immune system ay nagsisilbing harang para hindi makapasok ang mga foreign substances sa loob ng katawan.  Ang mga foreign substances na ito ay maaaring virus, bacteria, fungi o parasites.  Kapag may nakapasok na foreign substance sa katawan, ang immune system ay automatic na gagawa ng white blood cells at iba pang chemicals na lalaban sa mga foreign invaders ng katawan. Kapag malusog ang immune system, kaya nitong protektahan ang katawan laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

 

Kapag mahina ang immune system, walang lalaban sa mga bacteria, virus at iba pang foreign invaders sa loob ng katawan. Ito ang dahilan kung bakit nagkakasakit.

 

Paano palakasin ang immune system?

 

Isa sa dahilan ng paghina ng immune system ng tao ay ang unhealthy lifestyle. Para manatiling malakas ang immune system, ugaliin ang mga healthy habits tulad ng pagkain ng masusustansyang pagkain, sapat na pagtulog, regular exercise at proper stress management.

 

Importante sa pagpapalakas ng resistance to infection ang balanced meal na mayaman sa mga antioxidant vitamins tulad ng beta-carotene, vitamin C at vitamin E. Kumain ng dark green, red, yellow at orange na mga prutas at gulay. Ito ay makakatulong magbigay sa katawan ng Vitamin C immunity.

 

Para siguradong sapat ang vitamin C o ascorbic acid na nakukuha ng bata, idagdag sa kanyang balanced diet ang pag-inom vitamin supplement. Bigyan siya ng RiteMed Ascorbic Acid + Zinc. Ang Vit C at zinc ay mahalaga sa pagpapalakas ng immune system. Kapag sensitibo ang tiyan ng bata, pwede siyang bigyan ng sodium ascorbate, isang form ng Vitamin C na mayroong sodium components na nakatutulong magpababa ng acidity levels.

 

Sa new normal, protektahan ang mga bata laban sa sakit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang immune system. Turuan silang kumain ng masustansyang pagkain, magkaroon ng sapat na tulog, mag exercise at uminom ng vitamin supplement.

 

 

Sources:

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/the-immune-system

https://kidshealth.org/en/teens/immune.html

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/features/how-use-your-immune-system-stay-healthy



What do you think of this article?