Anong Diet ang Nagiging Sanhi ng Hyperacidity? | RiteMED

Anong Diet ang Nagiging Sanhi ng Hyperacidity?

September 9, 2021

Anong Diet ang Nagiging Sanhi ng Hyperacidity?

Anong Diet ang Nagiging Sanhi ng Hyperacidity?

 

Malaking bagay ang diet para sa mga nagbabawas timbang. Ang diet kasi ay kung ano ang kinakain natin. Halimbawa, ang diet na puro fast food at soft drinks ay matatawag nating bad diet. Pero sa dami ng sumisikat na diet ngayon, minsan mahirap piliin kung ano ang dapat subukan. Sa article na ito, titignan natin kung anong diet ang dapat iwasan dahil maaari itong magresulta sa  hyperacidity.

 

Intermittent Fasting Diet

Isa sa mga sikat na diet ngayon ay ang fasting diet, lalo na ang intermittent fasting. Ang pinaka idea ng ganitong diet ay hindi kakain ang isang tao ng mahabang oras upang masulit ng katawan ang kinain nito. Ang oras ng hindi pagkain ay tinatawag na fasting period.

Halimbawa nito ay intermittent fasting na kadalasan ay 16 hours a day, bawal kumain ang isang tao. Meron ding mas extreme na OMAD o One Meal a Day, na isang beses lang talaga kakain ang isang tao.


Marami na ang pumayat at nagtitiwala sa diet style na ito, pero nagsasanhi ba ito ng hyperacidity? Ang sagot ay pwede. Habang nasa fasting period, kaunti ang stomach acid dahil sa kakulangan sa pagkain. Pero maaaring matrigger ang utak na gumawa ng sobrang stomach acid kapag nakalanghap ito ng pagkain sa gitna ng fasting period.

 

Ketogenic Diet
 

Isa rin sa mga sikat na diet ngayon ay ang ketogenic o keto diet. Ito naman ay isang uri ng diet na umiiwas sa carbohydrates. Ang idea nito ay dahil hindi tayo kumakain ng carbohydrates, ang fats sa ating katawan ang ginagamit for energy. Kaya naman madalas na kinakain ng keto diet practitioners ay ang mga high protein at fatty foods.

undefined



Kahit di pa ito kilala noon, marami na ang sumubok ng keto diet, at marami na rin ang napapayat nito. Pero nagsasanhi ba ito ng hyperacidity? Maaari. Ito ay linked sa fatty foods na kinakain para sa diet na ito. Matagal tunawin ang high fat foods kaya nagiging factor ito.  Napaparelax din nito ang muscle na nagsasara sa tiyan, kaya baka maka-trigger ito ng acid reflux.


 

Tamang Alaga Tips

Hindi namin sinasabing masama ang mga diet na ito at hindi sila direktang sanhi ng hyperacidity. Nagbibigay lang tayo ng tamang kaalaman para sa tamang alaga. Siyempre, nagdadiet tayo para alagaan ang ating katawan, kaya naman ito ang ilang tips at hyperacidity home remedies:

1. Huwag humiga pagkatapos kumain, mabuting nakatayo o upright ng at least 2 hours.

2. Huwag mag overeat para di mahirapan ang tiyan tunawin ang kinain.

3. Kumain ng mabagal para mas madaling mag-digest ang tiyan.

4. Huwag kumain three hours bago matulog.

5. Maintain a healthy weight para less risk of hyperacidity.

 

Kasama sa tamang alaga ang proper diet at proper exercise, pero malaking tulong rin ang gamot lalo na kapag kailangan ng ginhawa. Kaya pag kailangan ng gamot sa hyperacidity, may RiteMED Neutracid! 

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/295914#:~:text=Fasting%20can%20also%20cause%20heartburn,more%20acid%2C%20leading%20to%20heartburn.

https://www.healthcentral.com/article/keto-diet-and-acid-reflux

https://www.healthline.com/health/gerd/diet-nutrition#lifestyle-changes



What do you think of this article?