Ano ang Tamang Gamit sa Rubbing Alcohol? | RiteMED

Ano ang Tamang Gamit sa Rubbing Alcohol?

October 15, 2021

Ano ang Tamang Gamit sa Rubbing Alcohol?

Mayroong three types of alcohol: methyl alcohol, ethyl alcohol, and isopropyl alcohol. Sa article na ito, pag-uusapan natin ang isopropyl alcohol.

 

Ang isopropyl alcohol o rubbing alcohol ay isopropyl alcohol ang common household chemical. Marami itong potential uses pagdating sa personal care at general household cleaning. Gayunpaman, ang maling paggamit ng rubbing alcohol ay maaaring magdulot ng masamang side effects, tulad ng pangangati ng balat at pagkalason.

 

Sa article na ito, inilista namin ang ilang mga karaniwang gamit para sa rubbing alcohol. Nandito rin ang ilang mga sitwasyon kung saan dapat iwasan natin ang paggamit ng kemikal na ito.

 

Rubbing Alcohol Uses

 

  • Pang-disinfect

Ang rubbing alcohol tulad ng RM Isopropyl Alcohol 70% Solution ay nakakatulong na maiwasan ang bacterial infections mula sa minor cuts o scrapes. Para gamitin, kumuha ng bulak at basain ito alcohol at ipunas sa gilid ng sugat.

 

  • Pampawala ng body odor

Ang rubbing alcohol ay maaaring makatulong na pumatay ng odor-causing bacteria. Para gawin ito, lagyan lang ng alcohol ang iyong kamay at ipahid ito sa iyong kilikili para mawala ang mga amoy sa katawan. Gayunpaman, iwasan ang paglalapat kaagad ng rubbing alcohol pagkatapos mag-ahit dahil ito ay magiging sanhi ng "stinging."

 

  • Pang-deodorize ng mga sapatos

Ang mga sapatos ay maaaring mag-develop ng isang malakas na amoy, lalo na kung sinusuot mo ang mga ito habang nag-eehersisyo o gumagawa ng iba pang pisikal na aktibidad. Ang pag-spray ng rubbing alcohol sa insoles ng iyong sapatos ay makakatulong na alisin ang bakteria na sanhi ng amoy. Pagkatapos spray-an, painitan ito sa araw para madali itong matuyo.

 

  • Panglinis sa at pang-disinfectant ng hard surfaces

Ang rubbing alcohol ay maaaring makatulong sa paglilinis at pagdi-disinfect ng hard surfaces tulad ng lamesa, upuan, desktop, at iba pa. Bagaman epektibo ito laban sa karamihan, hindi lahat ng pathogens ay kaya nitong puksain. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang alcohol solutions ay pinaka-epektibo kapag ang concentration ay 60-90%. Kaya, dapat mong iwasan ang paggamit ng mga diluted solution konsentrasyon na 50% o mas mababa, dahil ang mga ito ay hindi gaanong epektibo sa pagpatay sa mga pathogens.

 

Kailan hindi dapat gamitin ang rubbing alcohol?

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-man-saying-no-351294569

 

Hindi natin dapat gamitin ang rubbing alcohol para sa mga sumusunod na layunin:

 

  1. Pagligo

Huwag maglagay ng rubbing alcohol sa panligong tubig. Ang prolonged exposure sa rubbing alcohol ay maaaring maging sanhi ng pagsipsip ng balat ng alcohol, na maaaring humantong sa pagkalason.

 

  1. Pagpababa ng lagnat

Ang rubbing alcohol ay maaaring lumikha ng isang "cooling sensation" sa balat, ngunit hindi ito nakakapagpababa ng temperatura ng katawan ng isang tao. Dahil dito, hindi ito isang mabisang pang gamot para sa lagnat.

 

Sa katunayan, ang madalas na paglanghap ng rubbing alcohol ay maaaring humantong sa karagdagang mga problema sa kalusugan, tulad ng:

  • Alcohol poisoning
  • Cardiac problems
  • Neurological problems
  • Coma

 

  1. Paggamot sa acne

Ang rubbing alcohol ay nagdudulot ng pagkatuyo ng balat. Ayon sa American Academy of Dermatology (AAD), ang tuyong balat ay nagpapalala sa acne. Maaari rin itong dagdagan ang dalas at kalubhaan ng mga breakout ng acne. Samakatuwid, dapat iwasan ng mga tao ang paggamit ng rubbing alcohol bilang pang gamot sa acne.

 

  1. Pampawala ng kuto

Ang isang tao ay hindi dapat gumamit ng rubbing alcohol upang gamutin ang mga kuto. Ang rubbing alcohol ay maaaring pumatay ng mga kuto, ngunit maaari rin itong maging sanhi ng masamang reaksyon sa anit.

 

The Takeaway

Maraming pinaggagamitan ang rubbing alcohol, lalo na pagdating sa personal care at household cleaning. Gayunpaman, may mga pagkakataon na hindi dapat gamitin ang rubbing alcohol dahil maaari itong magresulta sa pagkalason o malubhang sakit. Alalahanin na hindi ito iniinom, ginagamit panligo, o ginagamit malapit sa apoy.

 

 

Sources:

https://www.webmd.com/first-aid/ss/rubbing-alcohol-uses

https://www.healthline.com/health/rubbing-alcohol-uses

https://www.medicalnewstoday.com/articles/rubbing-alcohol-uses#electronic-devices



What do you think of this article?