Ang Stress mo ba ay Nagiging Cause ng Hyperacidity? | RiteMED

Ang Stress mo ba ay Nagiging Cause ng Hyperacidity?

August 13, 2021

Ang Stress mo ba ay Nagiging Cause ng Hyperacidity?

Stress at Hyperacidity

Sa panahon ngayon na maraming pagbabago, at mas marami tayong iniisip, hindi na bago ang ma-stress. Pero alam niyo ba na ang stress ay ‘di lang nakakaapekto sa ating mental health? Nakakaapekto rin ito sa ating pisikal na kalusugan. Isang halimbawa nito ang pananakit ng tiyan tulad ng sa hyperacidity.



Koneksyon ng Stress at Hyperacidity

 

Lahat naman tayo ay maaaring makaranas ng hyperacidity. Kapag sobra na ang pag inom ng kape, alcohol, at softdrinks, mas malamang na magka hyperacidity. Pero kasama pala ang stress sa hyperacidity causes. Tumataas ang risk nito para sa mga taong madalas nakakaranas ng chronic stress at anxiety.

 

 Ito ang mga natuklasan ng mga dalubhasa at eksperto:

 

  • Ang anxiety ay maaaring magpaluwag ng pressure sa muscle na nagsasara ng ating tiyan, upang ‘di umangat ang stomach acids sa ating lalamunan.

 

  • Kapag laging nakakaranas ang ating katawan ng stress at anxiety pwede itong maging sanhi ng long lasting muscle tension. Kapag ang muscle tension na ito ay umabot sa tiyan, tataas ang pressure nito at baka maitulak pataas ang stomach acids.

 

  • Ang mataas na anxiety levels ay maaaring trigger para gumawa ng mas maraming stomach acid ang ating katawan.

 

 

Sintomas ng Hyperacidity

Ngayon, ano naman ang sintomas ng hyperacidity o hyperacidity symptoms? Kadalasan ito ay burning sensation sa may dibdib, para bang heartburn. Lumalala o mas masakit ang pakiramdam na ito kapag nakahiga.

 

Iba pang hyperacidity symptoms ay ang alangan na pagkapuno ng tiyan, nausea, at pagsusuka. Kapag may kasama pa itong gastritis, may bitter taste na mararanasan sa ating bibig.



Gamot sa Hyperacidity at Paano ito Maiiwasan

Ang hyperacidity ay madalas may kinalaman sa indigestion. Pwedeng gamot sa hyperacidity ang mga over the counter na gamot tulad ng RiteMED Omeprazole na isang proton pump inhibitor. Meron ding RiteMED Neutracid na isa namang antacid. Kapag may hyperacidity symptoms pwede ang mga gamot na ito. Pero upang makaiwas may ilang tips na pwede nating sundan:
 

  • Umiwas kumain ng marami bago matulog
  • I-distribute ang oras ng pagkain sa buong araw para maiwasan ang sobrang laking portions ng pagkain.
  • Bawasan ang pag inom ng softdrinks, alak, at kape
  • Huwag kumain ng citrus o acidic na pagkain habang walang laman ang tiyan
  • Dahan-dahan sa pagkain ng oily, fatty, at spicy foods.
     

undefined


Dahil nga ang stress o chronic stress ay isa sa mga hyperacidity causes, maganda rin na iwasan at i-manage natin ito. Pwede nating tukuyin ang mga stress triggers natin, at mula dito ay bumuo ng plano para i-manage o iwasan ito. Maaari ring pag usapan ang mga bagay na nakakastress sa atin, upang maiwasan ang bigat nito sa ating isip. Isa pang abiso ng mga eksperto ang exercise o mas active lifestyle.


Kailan Dapat  Lumapit sa Doctor

Kapag hindi na kaya ng home remedies, mabuti na ang lumapit sa doctor. Kasama na rito ang chronic o madalas na pagkakaroon ng hyperacidity. Liban sa tinalakay nating sintomas, ang prolonged na hyperacidity ay maaaring magdulot ng iba pang komplikasyon.

Pati sa pag-handle ng stress, kapag hindi na kaya ng regular exercise, o ibang pang home remedies tulad ng meditation, mas maganda ang kumonsulta sa mental health specialists.


Conclusion

Lahat tayo ay nakakaranas ng stress o chronic stress pa nga minsan. Mula sa mga batang iniisip ang schoolwork nila, pati na sa matatanda na iniisip ang kanilang trabaho at pamilya. Ngunit hindi ibig sabihin ay hindi natin ito maiiwasan o maagapan. Tulad ng hyperacidity, may tips para i-manage ito, at may gamot rin.


undefined


Syempre, kasama sa tamang alaga ang pagkuha ng tamang abiso. Kaya pagdating sa sobrang stress at hyperacidity huwag mahihiyang lumapit sa doctor. Pag dating naman sa gamot huwag mahihiyang magtanong.

 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6175551/

https://www.unilab.com.ph/articles/what-causes-hyperacidity-and-how-can-you-avoid-it

https://carrolldigestivediseasecenter.com/news/how-to-reduce-acid-reflux-and-stress

https://www.medicalnewstoday.com/articles/acid-reflux-and-anxiety

https://www.health.com/condition/gerd/feeling-stressed-why-you-may-feel-it-in-your-gut

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-epekto-at-sintomas-ng-stress



What do you think of this article?