4 Tips Para Makaiwas sa Dehydration
December 14, 2020
Importante para sa kahit kanino ang manatiling hydrated sa buong araw. Anuman ang pinagkakaabalahan at pinagtutuunan o hindi pinagtutuunan ng pansin, nakararamdam ang katawan ng pangangailangan ng tubig at hindi ito dapat balewalain.
Ilan sa sintomas ng dehydration ay pagdampi sa isip ng pag-inom ng tubig, pagbabakbak ng labi, pagkatuyo ng bibig at mga mata, kakaunting ihi, mabaho at dark yellow na ihi, pagkahilo, pagkapagod, at occasional na pagsakit ng ulo.
Matagal nang pinapayo ng mga doktor at eksperto to drink water regularly throughout the day. Crucial ang pag-inom tubig dahil dito nakabase ang pagmimintena ng katawan ng temperatura nito. Nakapagdudulot din ito ng mas maayos na paggamit ng mga kasukasuan, pag-iwas sa mga impeksyon, at maayos na pagdadala ng sustansya sa mga cells.
Tamang dami ng iniinom na tubig araw-araw
Para sa proper hydration, kinakailangang alamin kung gaano karaming liquids ang dapat inumin sa isang magdamag.
Sabi ng mga eksperto, kailangang uminom ng at least anim hanggang walong glass of water sa buong araw. Ayon nga sa American nonprofit and non-governmental organization na National Academy of Medicine sa Washington, D.C., kinakailanang 11 na tasa (2.7 liters) ang intake, hindi lamang sa pag-inom, ng tubig para sa kababaihan at 16 na tasa (3.7 liters) naman para sa kalalakihan.
Isa nga sa mga madalas na sabihin ng mga doktor ay prevention is better than cure. Kaya bago pa man makaranas ng ilang sintomas ng dehydration, mas mainam kung aalagaan na lang nang maayos ang katawan para hindi na umabot pa sa puntong hindi kanais-nais.
Para makasiguradong hindi makararanas ng dehydration, narito ang ilang mungkahi:
- Huwag maghintay na mauhaw – Isa sa pinakamaagang sintomas ng dehydration ay ang pagkauhaw. Mas mabuti kung hindi na aabot pa sa puntong nakararamdam ng panunuyo ng labi, bibig, at lalamunan. Siguraduhing constant ang pag-inom ng tubig lalo na kapag mainit at abala sa isang gawaing nangangailangan ng karagdagang lakas o malaki ang tiyansa na pagpapawisan.
- May ilang pag-aaral din na nagsasabi na ang pag-inom ng mineral water ay mas nakabubuti sa katawan kaysa sa tap water.
- Hindi lang tubig ang maaaring inumin – Kapag boring ang tubig, maaari ring dagdagan ito ng kaunting lasa. Pwede kang uminom ng mga juice o sports drink, o ‘di kaya naman ay kumain ng ice candy o ice cream. Pero higit sa mga ito, mas makabubuti pa rin ang tubig. Bukod sa natural, marami pang dahilan kung bakit natin ina-acknowlege ang benefits of water.
- Maaari ring uminom ng lemon water para sa mga naghahanap ng pamalit sa carbonated na inumin at mga juice na may mataas na sugar content. Nakatutulong pa ito sa pagpapapayat. Nagdudulot din kasi ito ng mas maayos na digestion.
- Isa pa sa maaaring subukan na pamalit sa room-temperature o cold water ay ang kabaligtaran nito na warm water. Nakatutulong kasi ito na ma-relax ang digestive system ng isang tao.
- Pagkain ng prutas at gulay – May iba-ibang prutas at gulay na nakapagbibigay ng dagdag hydration sa katawan bukod pa sa bitbit ng mga itong bitamina at mineral. Mga prutas tulad ng pakwan, strawberry, at pinya ay nakakatulong para sa dagdag na hydration ng katawan. Mataas din ang water content ng mga gulay na tulad ng pipino, patola, at kamatis.
- Makinig sa weather forecast - Kung magiging mainit ang maghapon, siguraduhing presko ang susuoting damit. Magsuot ng dark colors kapag malamig ang panahon at magsuot naman ng light colors kapag magiging mainit. Manatili sa loob ng bahay kung maaari. Mag-ingat sa pagbibilad sa araw at iwasan din ang lumabas-labas sa bahay, balkonahe, bakuran, o garahe sa mga oras na tirik ang araw at maalinsangan ang paligid.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/cute-asian-little-child-girl-drinking-646055602
Kailangan din nating lahat pakatandaan na nangyayari ang dehydration kapag mas maraming nawawalang tubig sa katawan kaysa natatanggap. Maraming pagkakataon na posible itong mangyari tulad na lang ng labis na pagpapawis dulot ng ehersisyo, mainit na panahon, at ilang pagkakataon pang labis na pagpapawis tulad ng pagkakaroon ng lagnat o trangkaso.
May ilang karamdaman ding nagdudulot ng dehydration tulad ng mga impeksyon sa baga at sa bladder. Isa pa nga sa pinakakaraniwang sanhi ng dehydration ay diarrhea o pagtatae at pagsusuka.
Sino ang madalas tamaan ng dehydration
Walang sinisino ang dehydration. Maaaring maging biktima mula mga bata hanggang mga may katandaan. Dapat lagi ring masiguradong may access sa tubig o malinis na inumin ang sinomang indibidwal.
Pakatandaan din na kapag malala na ang mga sintomas ng dehydration, marapat lamang na magtungo kaagad sa pinakamalapit na ospital o health center upang matugunan kaagad ito.
Sa pangkalahatan, mapagtatanto nating napakaliit na bagay lamang ng pag-inom ng tubig pero napakalaki ng epekto nito sa ating katawan kapag hindi ito nagagawa nang maayos at hindi sapat ang nakukuhang liquid para sa katawan.
Dapat lang nating bantayan ang ating mga sarili lalo na sa panahon ng pandemya dahil mahalaga na maging ligtas hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga taong nakapalibot sa atin. Ang pagsisimula ng mabubuting gawain para sa kalusugan ay isang malaking hakbang na para sa pagpapabuti ng ating buhay.
Source: